Ingredients
- • 1 kilong paa ng manok,nilinis
- • kaunting kahel o dilaw na food color
- • mantikang pamprito
- • 1 kutsarang dinikdik na bawang
- • 1 kutsarang tinadtad na luya
- • 3 kutsarang tausi,dinurog
- • 2 kutsarang toyo
- • 2 pirasong siling labuyp,hiniwa
- • 2 tasang tubig
- • 1 bahagi ng sanque
- • 1 kutsarangt sesame oil
Instructions
- Hatiing pahilis ang mga paa ng manok. Ilagay sa mangkok at haluan ng kaunting food color. Itabi pansamantala.
- magpainit ng mantika sa kawali. Iprito ang mga paa ng manok hanggang lumutong. Patuluin. Bawasan ang mantika. Sa natitirang mantika igisa ang bawang,luya,tausi,toyo at siling labuyo.
- Idadag ang tubig at sanque. Hayang kumulo-kulo ng 5- minuto. Idadag ang paa ng manok at sesame oil. Takpan ang kawali at lutuin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sarsa. Maaari rin itong pasingawan sa syeamer hanggang lumambot.